Tungkol sa vote.gov

Ang aming misyon

Ang Vote.gov ay isang mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa tumpak na opisyal na impormasyon sa pagboto mula sa gobyerno ng U.S. ng publiko ng Amerika. Ang aming misyon ay gawing madali para sa lahat ng mga karapat-dapat na botante na maunawaan kung paano magparehistro at bumoto.

Ang Vote.gov ay nagdidirekta sa mga botante sa kanilang mga website ng eleksyon ng estado para sa impormasyon ng pagboto na espisipiko sa estado. Ang Vote.gov ay hindi nagrerehistro ng mga tao para bumoto. Kayo ay dapat direktang magparehistro sa inyong estado. Pinaprayoridad ng Vote.gov ang pribasiya ng mga gumagamit sa pamamagitan ng hindi pagkolekta o pag-iimbak ng anumang personal na data mula sa publiko.

Nag-aalok ang Vote.Gov ng impormasyon sa pagboto sa maraming mga wika. Ang Kawanihan ng Sensus ng U.S. ay nag-ulat na halos 70 milyong tao ang nagsasalita ng isang wika maliban sa Ingles sa bahay. Kami ay nagbibigay ng impormasyon sa pagboto sa mga wikang sumasalamin sa pagkakaiba-iba ng mga mamamayan ng U.S. upang tulungan ang mga tao na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. 

Sino kami

Ang Vote.gov ay isang opisyal na website ng gobyerno ng U.S. na pinamamahalaan ng Technology Transformation Services_(sa ingles) sa loob ng Pangasiwaan ng Serbisyong Pangkalahatan.

Kami ay mahigpit na nakikipag-partner sa U.S. Election Assistance Commission (sa ingles) sa Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (sa ingles) upang matiyak na kami ay naghahatid ng mapagkakatiwalaang pare-parehong impormasyon sa pagboto. 

Nakikipartner din kami sa iba pang mga ahensyang pederal — kabilang ang Federal Voting Assistance Program, U.S. Citizenship and Immigration Services, at Kagawaran ng Estado — upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa pagboto sa mga tao kapag nakikipag-ugnayan sila sa ibang mga serbisyo ng gobyerno.

Kami ay mayroong malapit na relasyon sa mga opisyal ng estado at lokal na eleksyon sa pamamagitan ng National Association of Secretaries of State at National Association of State Election Directors upang matiyak na kami ay nagbabahagi ng tumpak na impormasyon sa pagboto ng estado.

Kasaysayan

Ang Vote.gov ay itinatag noong 2016. Noong 2021, ipinasa ni Pangulong Biden (Executive Order 14019 on Promoting Access to Voting) ( Ehekutibong Kautusan 14019 sa Pag-promote ng Pag-access sa Pagboto (sa ingles) . Ang batas na ito ay nag-aatas sa Pangasiwaan ng Serbisyong Pangkalahatan na pahusayin ang vote.gov, lalo na para sa mga taong nakakaranas ng mga hadlang sa pagboto.

Ang Pangasiwaan ng Serbisyong Pangkalahatan ay nag-update ng website upang matugunan ang mga layunin ng Ehekutibong Kautusan 14019. Ang website ng vote.gov ay naglalayong pagsilbihan ang lahat ng miyembro ng publiko sa pamamagitan ng pag-aalok ng:

  • Impormasyon sa pagboto sa 20 mga wika, na kumakatawan sa 96% ng publikong Amerikano 
  • Pinahusay na mga tampok ng aksesibilidad kabilang ang simpleng wika, kompatibilidad ng screen reader, at mga high-contrast design
  • Isang digital form filler tool upang mapabuti ang aksesibilidad ng National Mail Voter Registration Form 
  • Search.gov functionality bilang pagsunod sa 21st Century IDEA (sa ingles). Ginagawa nitong mas madali para sa mga tao na maghanap ng at mahanap ang impormasyon sa pagboto na hinahanap nila sa maraming wika.
  • Gabay sa pagboto mula sa mga kapartner na ahensyang pederal sa isang sentralisadong mapagkukunan

Ang Vote.gov ay nakatuon sa pagtulong sa bawat karapat-dapat na botante na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. Ang inyong boto ay ang inyong boses.

Magparehistro