Basahin ang pahayag ng aksesibilidad mula sa parent agency ng vote.gov, ang General Services Administration.
Nakatuon ang Vote.gov sa aksesibilidad. Patakaran namin na tiyakin na ang lahat, kabilang ang mga taong may kapansanan, ay may buo at pantay na ma-access ang mga mapagkukunan ng pagboto.
Ang Vote.gov ay umaasa sa ilang partikular na teknolohiya upang matiyak na gumagana ito nang maayos sa mga tool na tumutulong sa mga taong may kapansanan na ma-access ang impormasyon sa mga website. Kasama sa mga teknolohiyang ito ang HTML, WAI-ARIA, CSS, at JavaScript. Kanilang tinitiyak na madaling gamitin ang vote.gov sa mga screen reader, screen magnifier, speech-recognition software, at iba pang mga pantulong na teknolohiya.
Nilalaman
- Pahayag ng aksesibilidad
- Paano namin sinusuportahan at pinapanatili ang aksesibilidad
- Ang aming mga pamantayan
- Tulong, feedback, at mga pormal na reklamo
Pahayag ng Aksesibilidad
Ang grupo ng vote.gov ay nakatuon sa paglikha ng isang naa-access na website para sa lahat ng mga botante, kabilang ang mga taong nahihirapang makakita, makarinig, gumamit ng computer hardware, o nakakaranas ng mga hamon sa pag-iisip o pag-aaral. Sinisikap din naming maabot ang mga taong kulang sa serbisyo, kabilang iyong ang pangunahing wika ay hindi Ingles. Ang aksesibilidad ay isang tuloy-tuloy na pagsisikap, at aming sinisikap na pahusayin ang vote.gov sa pamamagitan ng pagbibigay ng regular na pagsasanay para sa mga empleyadong sumusulat ng aming nilalaman, lumilikha ng aming mga dokumento, at bumubuo ng aming website.
Paano namin sinusuportahan at pinapanatili ang aksesibilidad
Tinitiyak namin ang aksesibilidad ng vote.gov sa pamamagitan ng:
- Manu-manong pagsusuri ng nilalaman para sa aksesibilidad ng keyboard at screen reader
- Paggamit ng mga semantic section heading upang isaayos ang nilalaman
- Pagpapahintulot sa mga tao na gamitin ang keyboard para ma-access ang lahat ng mga link at mga interactive na parte ng aming website
- Kasama ang functionality na “skip to main content”
- Pagdaragdag ng code sa mga external link upang ipahayag ang “opening in new window” para sa mga screen reader
- Pagbibigay ng detalyadong alt text para sa mga image, icon, at logo
- Pakikipag-ugnayan sa mga tunay na tao sa pagsasalin ng nilalaman upang maghatid ng konteksto at user experience
- Pagpapahintulot sa mga gumagamit na baguhin ang laki ng teksto ayon sa kagustuhan
Ang aming mga pamantayan sa aksesibilidad
Idinisenyo namin ang aming mga web page upang matugunan o malagpasan ang mga pamantayan ng Seksyon 508 (sa ingles), na mga teknikal na kinakailangan na nagtitiyak na sumusunod kami sa pederal na batas ng Seksyon 508. Sumusunod din kami sa World Wide Web Consortium (W3C, ang namamahala sa web) at sa kanilang Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.1, na makikita sa website ng W3C website (sa ingles) . Aming natutugunan ang mga pamantayan sa Antas ng AA, na nangangahulugang ang aming nilalaman ay naa-access ng karamihan ng mga tao sa karamihan ng mga pangyayari.
Kasanguni at Pagsusuri
Kami ay mayroong independiyenteng ekspertong kasangguni na nagsasagawa ng tuluy-tuloy na pag-audit sa pamamagitan ng awtomatiko at manu-manong pagsusuri upang masuri at mapabuti ang aksesibilidad.
Kami ay nagsasagawa ng regular na usability testing na pagsusuri sa mga taong may mga kapansanan at gumagawa ng mga pagpapabuti batay sa feedback na ito.
Habang aming ina-update ang site gamit ang mga bagong tampok ng aksesibilidad, aming ia-update itong pahayag ng aksesibilidad. Kasama sa aming mga plano sa kinabukasan ang isang tampok na nagbibigay-daan sa mga tao na i-customize kung paano i-display ang website at ang opsyong mag-print ng mga pahina.
Kompatibilidad
- Ang Vote.gov is kompatible sa karamihan ng mga pangunahing mga Internet browser kabilang ang Chrome, Firefox, Edge, at Safari.
- Ang nilalaman ng Vote.gov ay maaring makita sa isang smartphone, tablet, laptop, o desktop.
Wala kaming natukoy na anumang mga limitasyon sa aksesibilidad sa aming mga pag-audit o pagsusuri. Gayunpaman, ang vote.gov ay naka-link sa ilang mapagkukunan ng pagboto na hindi pag-aari ng gobyerno o itinataguyod ng gobyerno. Ginagawa namin ito kung ang mga website na ito ay nagbibigay ng impormasyon ng gobyerno na hindi makukuha sa isang opisyal na website ng gobyerno. Hindi namin kinokontrol ang mga di-gobyernong website na ito. Hindi namin magagarantiya na ang impormasyon sa mga website na ito ay tama, may kaugnayan, napapanahon, o kumpleto.
Tulong, feedback, at pormal na mga reklamo sa Aksesibilidad
I-email kami sa vote@gsa.gov ng anumang feedback na inyong naranasan sa vote.gov.
Ang aming grupo maaring tumugon sa inyong mga tanong, komento, o alalahanin sa parehong Ingles at Espanyol.
Kapag nakikipag-ugnayan sa amin, mangyaring isama:
- Ang web address, kilala rin bilang isang URL. Ang isang tipikal na URL ay maaring http://example.gov/index.html o https://www.example.gov/example.
- Ang device at browser na inyong ginagamit sa pag-access sa vote.gov
- Ang tulong teknolohiya na inyong ginagamit, kung mayroon man
- Isang paglalarawan ng problema at anumang impormasyon na hindi naa-access
Tandaan: Aming mino-monitor ang vote@gsa.gov sa normal na oras ng opisina Lunes hanggang Biyernes Eastern Time, maliban sa mga pista opsiyal ng pederal o kung sarado.
Depende sa problema, ipapaalam sa inyo ng grupong 508 ng vote.gov kung kailan nila inaasahang maaayos ito.
Para sa karagdagang tulong sa aksesibilidad, punan ang pormularyo sa ibaba sa alinman sa Ingles o Espanyol.
Para sa mga tanong, komento, o reklamo tungkol sa aksesibilidad ng anumang nilalaman ng vote.gov, mag-email sa vote@gsa.gov.
Mayroong karagdagang mga mapagkukunan ng aksesibilidad
Matuto ng higit pa sa GSA accessibility webpage (sa ingles) kung kailangan ninyong:
- Magsampa ng isang pormal na reklamo
- Humiling ng mga makatwirang akomodasyon
- Gumamit ng Telecommunications Relay Services (sa ingles), na nagpapahintulot sa mga taong bingi, mahina ang pandinig, o may kapansanan sa pagsasalita sa pamamagitan ng telepono
Narepaso at na-update ang pahina noong Mayo 2024.